Ang ating Panginoong JESUS KRISTO, ipinakita ang Kanyang pag-ibig,
Nagsimula ang kanyang mirakulo mula sa kasalan, pinagaling niya tayo
mula sa kasalukuyan ng ating kalagayan, nagbibigay ng ating
pang-araw-araw na pangangailangan kabilang ang ating makakain, nagpapala
sa ating propesyon at maging sa mga pangangailangan sa ating negosyo,
maging ang pagbabayad ng buwis, para iligtas tayo sa kamatayan at
pagbabayad nito bilang kapalit ng Kanyang buhay, at seguridad ng buhay
na walang hangan na kapiling Niya.
Dapat tayong magalak na lahat
ng ito ay Kanyang ipinagkaloob sa atin sa ating pangkasalukuyang buhay
at maging sa buhay na walang hanggan. Isa isahin natin ang mga nangyari
nung nandito pa Siya.
Selebrasyon
Ang kanyang unang himala ay nangyari sa Cana nang hiniling ng Kanyang ina na gawing alak ang tubig. (Juan 2: 1-11)
Pagpapagaling
Ang
pagpapagaling ng palsy o stroke sa ating pangkasalukuyang panahon
(Marcos 2:1-12); Bulag nakakita (Juan 9:1-39); Isang babaeng may
karamdaman ng pagdurugo ng 12 taon sa isang pagkakataon na siya ay
gumaling (Mateo 9:20-22); Ang mga may ketong ay gumaling (Lucas 17:
11-19); Batang babae na namatay at nabuhay (Marcos 5:21-43); Maging ang
biyenan ni Pedro na kanyang alagad ay gumaling mula sa matinding lagnat
at maging ang iba pa ay pinagaling ng ating Panginoon (Lucas 4:38-40);
Maging ang mga may sakit na possession ng masamang espiritu o demonyo o
sa ating pang kasalukuyan na psychological sickness ay gumaling (Lucas
8:2); Maging ang pag-aari ng mga demonyo ay gumaling sa isang lalaki
(Marcos 5:1-20); at lahat ng uri ng sakit, karamdaman ay pinagaling Niya
silang lahat.
Probisyon ng Ating Pagkain
Nagbigay siya sa
maraming tao na 5000 pamilya at 4000 pamilya hindi pa kasama sa bilang
ang mga bata at kababaihan mula sa mga piraso ng tinapay at isda,
pinarami Niya ito para lahat ay makakain. (Mateo 14:13-21, Mateo
15:29-39).
Propesyon ng Mga Mangigisda na Makakuha ng Maraming Huli
Nagbigay
siya ng isang malaking huli kay Pedro at ang kanyang mga kasosyo sa
pangingisda, nung wala na silang mahuli sa buong gabi. (Lucas 5:1-11)
Siya rin ang nagbayad ng Buwis sa Gobyerno
Hiniling
niya kay Pedro na manghuli ng isang isda sa isang lawa at mula sa bibig
ng isang isda, isang pera upang mabayaran ang kanilang obligasyong
buwis kay Cesar. (Mateo 17:27)
Isyu ng Kamatayan
Binuhay niya
ang isang batang babae mula sa kamatayan, kasama si Lazaro na namatay sa
loob ng 4 na araw sa libingan (Juan 11: 38-44) at binayaran Niya sa
krus ang ating utang at parusa para sa ating mga kasalanan. Siya ay
katulad ng isang hain na tupa ng isang beses at sa lahat ng mga
henerasyon, mula sa nakaraan, ngayon, at sa hinaharap na mga kasalanan.
Paggaling ng Ating Sakit
Sa pamamagitan ng Kanyang mga sugat, tayo ay gumaling (Isaias 53:5),
Ang Ating Pagyaman
Siya ay naging mahirap kaya tayo ay naging mayaman (2 Mga Taga-Corinto 8:9);
Pagbabayad sa Ating Mga Kasalanan
Dahil
walang kasalanan sa Kanya, Sinakop niya ang kamatayan, at sinigurado
tayo na mamuhay na kapiling niya sa buhay na walang hanggan. (1 Mga
Taga-Corinto 15: 55-57).
Binigyan Tayo ng Diyos ng Ministeryo
Binigyan
niya tayo ng pamumuhay ng isang malakas na buhay habang nabubuhay ang
mga alagad sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, pag-papagaling sa may mga
sakit, at pag buhay ng mga patay.
Lahat ay ibinigay ng ating
PANGINOON, DIYOS at sa maliit na bahagi na hinihiling sa atin, na
maniwala, at tumanggap sa Kanya, bilang isang PANGINOON, Tagapagligtas,
at HARI sa ating buhay. Tayo ay higit pa sa mga mananakop at makamit ang
tagumpay sa Kanyang Pangalan! Panalangin ko na habang ginagawa natin
ang ating bahagi, maaari rin tayong mamuhay ng isang matagumpay na
buhay, sa kasalukuyang buhay, at sa buhay na darating, upang makasama
Siya kahit sa walang-hanggan! Amen.
No comments:
Post a Comment